Unibersidad ng Iceland

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Unibersidad ng Iceland
Háskóli Íslands
Latin: Universitas Islandiae
Itinatag noong 1911
Rektor Jón Atli Benediktsson
Admin. staff 1,522 (2014, full-time admin. & academic)[1]
Undergraduates 9,487 (2014)[2]
Postgraduates 3,646 (2014)[2]
Lokasyon Reykjavík, Iceland
Kampus Urban, suburban
Kulay Dark blue and silver
         
Nickname
Mascot Athena
Apilasyon EUA, Utrecht Network, Aurora, UArctic
Websayt www.hi.is
University of Iceland Text.svg

Ang Unibersidad ng Iceland (Icelandic: Háskóli Íslands ; Ingles: University of Iceland) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Reykjavik, Iceland, at ang pinakaluma at pinakamalaking institusyon ng mas mataas na edukasyon sa buong bansa. Itinatag noong 1911, ito ay mabilis na lumago mula sa isang maliit na paaralan ng serbisyo sibilm patungo sa isang moderno at komprehensibong unibersidad, na nagbibigay instruksyon sa 14,000 mag-aaral ng 25 fakultads. Ang pagtuturo at pananaliksik ay isinasagawa sa mga agham panlipunan, sining, medisina, natural na agham, inhinyeriya at edukasyong pangguro. Meron itong kampus na nakatipon sa Kalye Suðurgata sa sentro ng Reykjavik, na may karagdagang mga pasilidad sa mga karatig na lugar pati na rin sa kanayunan.

Mga pagraranggo

Noong 2011, naitala ng Times Higher Education ang Unibersidad ng Iceland sa listahan nito sa unang pagkakataon, kung saan nakaranggo ang unibersidad bilang ika-276-300 sa buong mundo.[3] Sa mga sumusunod na taon, ito ay umakyat pa sa ranggong 251-275.[4] Sa kasalukuyan, nakatala ang unibersidad sa ranggong ika-201-250 pinakamahusay na sa mundo ayon sa Times.[5]

Mga sanggunian